who's online

Marian Rivera, Requested By Dolphy in a New Movie

Nasa Hong Kong kami ngayon ka­sama ng ilang kaibigan. Bago kami lu­mipad pa-HK ay may nakapagbulong sa amin na magsisimula na ang shooting ng Dolphy-Vic Sotto movie (na wala pang pamagat).
Sa Marso 28 na ang first shooting day ng comedy event na ito na produced ng RVQ Productions (ni Mang Dolphy), M-Zet Productions (ni Bossing) at APT Entertainment (ni Mr. Tony Tuviera).
Plantsado na raw ang script at handang-handa nang gumiling ang ka­mera ni Direk Tony Y. Reyes (nagdirek ng blockbuster Enteng Ka­bisote series ni Vic).
Bukod sa dalawang hari ng komedya, kasama rin sa cast ng pelikula si Marian Rivera.
Ang dinig namin ay mismong si Mang Dolphy ang nag-request na kunin si Marian para sa pelikula nila ni Vic.


Kung hindi kami nagkakamali ay si Marian ang gaganap na love interest ni Bossing sa movie. Nang banggitin daw ito kay Marian ay natuwa ang dalaga at na-excite na kasali siya sa pelikula.
Kahit maliwanag na sina Dolphy at Vic ang ibinebenta ng pelikula ay sigurado raw na maganda ang role ni Marian at importante ito sa istorya.
Malamang magla­gare si Marian sa Vic-Dolphy movie kapag nagsimula na ang taping niya para sa Dyesebel ng GMA.

http://www.abante-tonite.com/issue/feb2508/entertainment_others3.htm

0 comments:

Post a Comment

 

Visits