Isang panalo na lang ang kailangan ng Sta. Lucia Realty!
Naitakas ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang Game 5 kagabi, 88-76, sa kanilang championship showdown ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa 2007-08 SMART Philippine Basketball Association Philippine Cup sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Parehong pilay ang dalawang teams sa laro dahil sa one-game suspension na ipinataw kina James Yap ng Purefoods at Joseph Yeo ng Sta. Lucia, na kapwa nabigyan ng flagrant foul 2.
Sa unang dalawang quarter ay tila nagtatantiyahan lang ang dalawang team. Nag-init ang karburador ng Giants na nagpakawala ng 15-4 na atake, pero sinagot naman ng Realtors ng sariling 9-0 run.
Natapos ang first half na lamang ng katiting na dalawang puntos ang Purefoods, 39-37.
Malalagkit ang depensang ipinakita ng magkabilang panig patunay ang low scoring ballgame.
“We are here in the finals because of our defense, and I think it’s showing right now. We stopped Purefoods from reaching 80,” ani coach Fernandez.
Nagsimulang kumalas ang Realtors sa third quarter sa kabuuang 25 points na kinamada kontra sa 11 ng Giants para sa 62-50 kalamangan tungo sa fourth.
Sa kalagitnaan ng huling canto, sinubukang maghabol ng Giants sa pamamagitan ng tatlong tres na magkakasunod na pinakawalan nina Chico Lanete at Noy Castillo, pero solo-katawan na binuhat ni veteran Marlou Aquino ang Realtors.
Lahat ng 12 puntos ni Aquino ay kinamada niya sa fourth, walo rito ay sagot sa paghahabol ng Giants.
“We’ll be ready for that,” ani Fernandez sa pagbabalik-laro ni Yap sa Game 6 sa Miyerkules sa Big Dome rin.
Nanguna pa rin si Kelly Williams sa kabuuang 20 points at 16 rebounds para sa Realtors. Nagdagdag si Dennis Espino ng 15, at may 14 pa si Nelbert Omolon.
http://www.abante-tonite.com/issue/feb2508/sports_story1.htm
|
0 comments:
Post a Comment