Star-studded at masaya ng 56th birthday party ni Ma’am Wilma Galvante (SVP for Entertainment ng GMA 7) nu’ng Biyernes sa mezzanine ng Imperial Palace Suites.
Present ang pamilya ni Ma’am Wilma, mga kaibigan niya at kasamahan sa Kapuso network. Puno ang venue sa dami ng GMA stars kaya tuwang-tuwa ang birthday girl.
Dinatnan namin doon sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Paolo Contis, Alessandra de Rossi, Tita Annabelle Rama, Tito Douglas Quijano at iba pang bigating talent managers.
Magkasamang dumating ang magkaibigang Katrina Halili at Cristine Reyes. Katabing mesa namin ang mag-sweetheart na Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, Jr.
Si Marky Cielo ang ka-table ni Lovi Poe dahil late dumating si Jolo Revilla kasama sina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado.
Sabay dumating sina Janno Gibbs at Bing Loyzaga. Nahilingang umawit si Janno at nag-duet sila ni Dr. Hayden ng The Way You Look Tonight na paborito ni Ma’am Wilma.
Kumanta rin sina Ricky Davao, Eula Valdes, Lovi Poe, Tyron Perez, Rita Iringan (ng Sugarpop) at Lhar Santiago (ng 24 Oras).
Nasa isang table ang Kamandag girls na sina Maxene Magalona, Ehra Madrigal at Jewel Mische. Humabol sa party si Richard Gutierrez at naki-join ito sa kanila.
Dumating din sina Tito Eddie & Raymond Gutierrez, Iza Calzado, Wendell Ramos, Mark Anthony Fernandez, Rhian Ramos, Bianca King, Paolo & Bubbles Paraiso, Donita Rose, Joseph Bitangcol, Anjo & Jackie Yllana at marami pang iba.
Hindi nag-abot sina Alessandra at Jeremy Marquez dahil late nang dumating si Jeremy at nakaalis na si Alessandra. Hindi kasama ni Ms. Lucy Torres ang mister niyang si Richard Gomez.
Umapir din sa party si Ruffa Gutierrez para bumati kay Ma’am Wilma mereseng Kapamilya siya at hindi Kapuso. Akala ng marami ay dumating si Angel Locsin, ‘yun pala ay si Glaiza de Castro. Sobrang kamukha ni Glaiza si Angel sa ayos at itsura niya nu’ng gabing ‘yon.
Isa sa mga aligaga sa party ay si Mother Lily Monteverde. Hindi nagbu-ballroom dancing si Mother kaya ‘representative’ niya ang anak na si Ms. Roselle Monteverde-Teo sa special production number ng mga ‘powerful women’ of GMA.
Kasama si Mother Ricky Reyes ay tig-iisang DI (dance instructor) sina Ma’am Wilma, Tita Marivin Arayata, Tita Redgie Acuña-Magno, Ms. Darling de Jesus, Ms. Gigi Santiago-Lara at Ms. Roselle at sama-sama silang humataw ng swing, cha-cha, rumba, foxtrot, at iba pang ballroom chuva.
Hindi kasali sa ballroom number si Tita Lilybeth Rasonable dahil mas gusto niya raw mag-solo. Ganadong magsisayaw sa dance floor sina Direk Joel Lamangan, Direk Manny Valera at Tito Butch Francisco habang tumutugtog ang live band.
***
May ‘eksena’ sa birthday party ni Ma’am Wilma dahil dumating ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila. Sinamahan ni Becky sa party ang isa niya pang alaga na si Jennylyn Mercado.
Isa-isang bineso ni Becky ang mga GMA executive na nandu’n. Sabi sa amin ni Tita Avin, matagal nang nagte-text sa kanya si Becky at sinasabing panahon na para magkabati sila ng mga GMA execs na sumama ang loob sa kanya dahil sa paglipat ni Angel sa kabilang istasyon.
Si Tita Redgie ang pinakahuling nilapitan ni Becky para batiin. In fairness ay bineso-beso siya ng dating program manager ng mga show ni Angel sa Siyete.
Naging very civil ang Kapuso executives kay Becky.
Dayalog sa amin ni Ma’am Wilma, “I really wanted to see Jennylyn and appreciate her coming to my party. It’s okay na kasama niya si Becky. Everyone naman is welcome, eh!”
May show pa si Jen sa Zirkoh-Timog that night. Bago siya umalis sa party ay pinakanta muna siya. Killing Me Softly ang inawit ni Jen, na ewan kung dedicated sa ama ng ipinagbubuntis niya na si Patrick Garcia.
Nakasabay namin sila ni Becky pababa ng hagdan ng Imperial. Inalalayan namin ang buntis na si Jen dahil hirap siyang humakbang sa suot niyang sapatos na mataas ang heels.
In fairness ay ang gandang preggy ni Jen at mukhang girl ang magiging anak nila ni Patrick.
***
Nabitin sa pag-inom ng red wine si Direk Joyce Bernal dahil may ibang lakad pa sila ni Dingdong Dantes nu’ng gabing ‘yon. May party raw kasi sa bahay na pinagteteypingan nila ng Marimar sa Bulacan at imbitado sila ni Dingdong.
Nabanggit sa amin ni Direk Joyce na sa Marso 7 na ang last taping day nila ng Marimar.
Live ang finale episode nila sa Marso 14 kaya kaabang-abang ang pagtatapos ng toprated teledrama ng Siyete.
Hindi pa sa Marimar magtatapos ang tambalang Dingdong at Marian dahil si Dingdong pa rin ang magiging kapareha ni Marian sa Dyesebel.
Dyesebel ang bagong ididirek na show ni Bb. Joyce after Marimar. Kinumpirma niya sa amin na si Dingdong ang gaganap bilang Fredo, ang love interest ng sirenang si Dyesebel.
http://www.abante-tonite.com/issue/feb2508/entertainment_AD.htm
|
0 comments:
Post a Comment