Magde-deploy ng 500 kagawad ng pulisya sa paligid ng EDSA Shrine sa Ortigas, Quezon City para matiyak ang mapayapang paggunita sa ika-22 taong anibersaryo ng people power 1 noong 1986 na nagpatalsik sa rehimeng Marcos.
Nabatid mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Leonilo dela Cruz na ang nabanggit na bilang ng kapulisan ay mula sa pinagsanib na puwersa ng pulisya sa Marikina, Pasig City, Mandaluyong at San Juan.
Nilinaw pa ni Dela Cruz na nakaantabay lamang ang mga pulis at mabilis na reresponde sa anumang sitwasyon kung kinakailangan.
|
0 comments:
Post a Comment