who's online

PUP Has Bomb Threat Before Jun Lozada Arrive

Nakakasa na ang programa para sa kilos-protesta ng mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines habang hinihintay si Jun Lozada Huwebes ng umaga.

Pero pasado alas-10, biglang tumunog ang bell. Ibig sabihin, kanselado na ang klase sa buong unibersidad.

Isinara rin kaagad ang main gate kaya takang-taka ang mga estudyante.

Sabi ng mga security guard, may bomb threat daw.


"SOP po namin once na-suspend ang klase, nagpapababa po kami tapos sinasara ang gate," ani Jay Telan, isang security officer ng sa PUP.

"Kailangan i-maximize po namin 'yung seguiridad na puro PUP [students] lang, pero baka sa dami po niyan eh may nakahalo na po," ani security guard Edwin Samson.

Tumindi ang tensyon sa pagitan ng mga estudyante at gwardia kaya nagkairingan at kinalampag ang gate.

Nasugatan ang estudyanteng nakitulak sa gate. Nagawang pigilan ng mga estudyante na muling maisara ang gate.

"Ang number one reason nila bakit nila ni-lock 'yung main gate ay para huwag papasukin ang mga estudyante. Huwag makapasok ang mga estudyante, huwag makapasok si Jun Lozada," ani Henry Ynaje, student leader sa PUP.

Nang dumating ang bomb squad, pati sila, hinarang ng mga estudyante.

Pinagsisipa pa ng estudyanteng ito ang sasakyan kaya muntik siyang masagasaan.

Pati back-up vehicle ng bomb squad, hinarang din.

"Wala kaming alam na meron ditong mga estudyante na nag-rarally. Ang tawag sa amin ay may bomb threat," ani Senior Police Officer 1 Modesto Pagaran ng bomb squad.

Maya-maya pa, dumating na si Jun Lozada at pinaulanan ng confetti.

"Kung may sasabog man ngayong umaga, ang sasabog dito sa PUP ay katotohanan," ani Lozada.

Pero sa kalagitnaan ng speech ng ZTE star witness, nawala ang sound system.

"Mukhang may taga-MalacaƱang dito. Pati kuryente n'yo, pinuputol," aniya.

Hinikayat ni lozada ang mga estudyante na sumama sa rally sa Makati sa Biyernes.

"Puwede ko bang asahan ang mga taga-PUP na samahan kami sa Ayala bukas ng hapon?" tanong ni Lozada, na sinagot naman ng "oo."

Halos 15 minuto lang ang itinagal ni lozada.

Nainis naman ang ibang estudyante dahil nakansela ang klase.

“Nakakainis po kasi nag-e-exam kami tapos bigla ititigil ang klase. Oo, tama ginagawa nila pero me karpaatan din kami makapag-aral,” sabi ng isang estudyante.

Ginalugad pa rin ng bomb squad ang buong PUP pero walang nakitang bomba.

http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=110717


0 comments:

Post a Comment

 

Visits