Sa column ng veteran entertainment columnist na si Ricky Lo sa Philippine Star ngayong araw, March 12, ibinalita niya ang paghihiwalay ng aktres na si Sheryl Cruz at ng kanyang asawa na si Norman Bustos.
Ayon kay Ricky, nakatanggap siya ng tawag mula mismo kay Norman sa San Francisco—kung saan siya nagtatrabaho bilang sheriff—kahapon, March 11.
Malungkot na sinabi ni Norman kay Ricky ang balita tungkol sa kanila ni Sheryl: "Sheryl and I are filing for divorce anytime now."
Kuwento pa ni Ricky, apat na araw bago ang tawag ni Norman ay nakatanggap siya ng email mula rito at tinatanong ang kanyang cell phone number. Ito raw ang maikling mensahe ni Norman sa kanyang email: "This is Norman Bustos, Sheryl Cruz's husband. I would like to get in contact with you as soon as possible. This is in regards to Sheryl and I..."
Matatandaang iniwan ni Sheryl ang kanyang showbiz career sa Pilipinas nang magdesisyon siyang pumunta sa Amerika at doon na manirahan kasama ng kanyang ina, ang dating aktres na si Rosemarie Sonora (nakababatang kapatid ni Susan Roces). Doon na rin sa Amerika nakilala ni Sheryl si Norman.
Ayon kay Ricky, tatlong beses nagpakasal sina Sheryl at Norman. Una ay noong 1996 sa isang civil rite sa Lake Tahoe, Nevada. On the same year, nagkaroon sila ng Catholic wedding dito sa Pilipinas na ginanap sa Ciudad Fernandina sa Greenhills. Panghuli ay noong 1997 sa isang simbahan sa San Francisco kung saan sila tuluyaang nanirahan sa isang malaki at magandang bahay na binili mismo ni Norman mula sa kanyang savings.
NO SIGNS. Huling nakita ni Ricky si Norman apat na linggo lamang ang nakalilipas nang bumisita muli ang mister ni Sheryl dito sa Pilipinas. Sinamahan ni Norman si Sheryl at ang kanilang anak na si Ashley—na magse-seven years old na sa May 25—sa reunion ng Sampaguita stars sa studio ng naturang movie company sa Quezon City.
Wala raw nahalata si Ricky na may problema sa pagsasama nina Sheryl at Norman base sa ikinilos nila sa naturang okasyon.
Pero noon pa man ay marami na ang nagtaka nang magdesisyon si Sheryl na i-resume ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas noong 2004, samantalang si Norman naman ay nanatili sa San Francsico kung saan ito nagtatrabaho.
Dapat sana ay bakasyon lang ang ipinunta ni Sheryl sa Pilipinas ngunit na-extend ito nang na-extend hanggang sa magdesisyon siyang dito na manirahan ulit. Bumili siya ng bahay sa isang subdivision sa Quezon City kung saan sila naninirahan ngayon ni Ashley.
Bagama't regular na bumibisita si Norman sa kanyang mag-ina dito sa Pilipinas, at ganun din si Sheryl, hindi pa rin maiwasan na itanong sa aktres kung wala ba talagang problema sa kanilang pagsasama. Tuwina, sinasabi ni Sheryl na pareho nilang desisyon ni Norman na manatili muna siya rito sa Pilipinas at ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Lagi ring pinabubulaanan ng dating child actress na may problema sila ng kanyang mister.
Ngunit ang tawag na natanggap ni Ricky mula kay Norman ang nagkumpirma sa matagal nang usap-usapan na may problema ang pagsasama nila ni Sheryl.
NO THIRD PARTY. Itinanggi ni Norman sa kolumnista na may third party involved sa paghihiwalay nila ni Sheryl.
Paliwanag ni Norman, "Our long periods of separation have taken their toll. Four years is a long time. She's there working and I'm here working. We have taken different career paths. I understand that she enjoys working in showbiz and she understands that I can't leave my job [in San Francisco].
"I can't join Sheryl in the Philippines and be a burden to her," dagdag niya. "You see, I'm used to working and earning my own keep since I was young and I just couldn't depend on my wife to support me. That's not me. I think we are faced with irreconcilable differences, so... This is a very hard decision for us to make. It's great when we are together but life is just hard and lonely for me when I'm alone, living by myself in our big house. It's a situation that is just unhealthy for any couple."
Sa kabila nito, iginiit ni Norman na "okay" sila ni Sheryl at mapayapa ang kanilang pag-file ng divorce.
"We have regular communication, we are friendly to each other, contrary to rumors that we have had clashes. We are okay," paglilinaw ni Norman.
Para patunayang okay sila ni Sheryl sa kabila ng pagpa-file nila ng divorce, babalik sa Pilipinas si Norman para sa ika-pitong kaarawan ng anak nilang si Ashley.
"Our main concern now is to give our daughter a good life, a good future," sabi ni Norman.
Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag si Sheryl, ngunit ayon sa manager nitong si Dolor Guevarra ay wala pang statement ang aktres tungkol sa nakatakda nilang divorce ni Norman.
http://www.pep.ph/news/16689/Sheryl-Cruz-and-husband-Norman-Bustos-file-for-divorce
0 comments:
Post a Comment