who's online

Pinoy Big Brother Teen Edition Plus

Painit nang painit ang nalalapit na pagsisimula ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! Sa isang press conference ay nagbigay ng patikim ang PBB management at ang mga hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, at Luis Manzano kung sino ang mga inaasahang mapapabilang sa panibagong edition ng mga Kabataang Pinoy.

Ang gwapong bad boy na beterano ng mga street rambol, ang dazzling doll na nahirapang mag-move on sa pagpanaw ng ama, ang anak ng DH na lumaki sa ibang bansa, ang bikini babe na suki na ng ilang swimsuit competition, ang trophy kid na makailang ulit nang nabasted, ang rebellious beauty, at ang horse whisperer.


Ngunit sa lahat ng mga mysterious possible teen housemates ay ang "dalagitang may kapansanan" ang naging sentro ng lahat ng atensyon at usapan. Marami nga ang nabahala kung makakayanan ba ng isang disabled teenager ang mga matitinding hamon ni Kuya lalo na ang mga mabibigat na physical activities. Hindi man nilinaw ng PBB management kung ano ang kapansanan ng nasabing dalagita ay siniguro naman nila na matututukan ang kalagayan ng housemate na ito, yun ay kung sakali ngang mapabilang siya sa final line up of official teen housemates.

Ang malaking misteryo na lang ngayon ay kung sino sa mga nabanggit na hopefuls ang makakapasok sa loob ng pinakasikat na bahay sa bansa? Anong kwento ang kanilang dala na dapat nating subaybayan araw araw? Silipin kung sino sino ang mga bago at batang mukha na haharap sa mga pagsubok ni Big Brother sa isang special primer ngayong Linggo, March 16th, 9:45 PM sa ABS-CBN.

from: http://pbigb.multiply.com/journal/item/820
more PBB news here


0 comments:

Post a Comment

 

Visits