who's online

Noli De Castro, Ready To Take-Over

Nakahanda si Vice-President Noli de Castro na manungkulan bilang pangulo subalit hindi niya pinaghahandaan na aga­win ito kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang linggu­hang programa sa DZMM, nilinaw ni de Castro na hindi siya naghahanda upang palitan si Pangu­ long Arroyo pero handa siya kung saka-sakali na mangyari ito.

“Iba yung handa sa naghahanda,” paglilinaw pa ng bise-presidente ka­ugnay sa report na handa na raw ang lahat para pu­malit na siya bilang pa­ngulo.


Aniya, ang paghahan­da na pumalit sa puwesto ni PGMA ay tila nanga­ngahulugan na mayroon na rin siyang “shadow cabinet.”

Sinabi pa ni de Castro, siya ay inihalal ng ta­umbayan noong 2004 elections bilang vice-president at tungkulin niya sa ilalim ng Konstitusyon na umakto bilang pangulo kapag nagkaroon ng bakante sa posisyong ito.

“From day 1, I already knew my duties under the Constitution as the elected vice-president. Im prepared for that. That’s my mandate from the over 15 million people who voted for me,” sabi ng bise-presidente.

Aniya, tulad ng ibang Filipino ay nais din niyang malaman ang katotoha­nan sa iba’t ibang isyu kabilang na ang NBN-ZTE deal controversy pero bilang public official ay kina­ ka­ilangang ikunsi­dera ang lahat ng panig.

“Being an elected public official, I have to study, weigh both sides, not just one side. I am also for search for the truth but you cannot find truth in rallies but in the proper judicial process,” dagdag pa ni de Castro.

Sa pahayag naman ng Palasyo, sa ngayon ay walang “vacancy” sa Ma­la­cañang.

http://www.philstar.com/archives.php?&aid=2008030161&type=2&



0 comments:

Post a Comment

 

Visits