who's online

Kim Chiu chosen to play lead role in Pinoy version of Koreanovela "My Girl"

Hindi napigilan ng young actress na si Kim Chiu ang mapaluha sa katuwaan dahil sa sorpresang natanggap niya during the press conference of the new season of Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition Plus and Pinoy Dream Academy kahapon, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.




Kasama ni Kim sa presscon si Yeng Constantino. Matatandaang si Kim ang kauna-unahang winner ng PBB Teen Edition samantalang si Yeng naman ang first winner ng Pinoy Dream Academy.



Sa part ni Kim, habang ipinapakita ang AVP ng kanyang pagsisimula sa PBB as housemate at sa mga naging accomplishments niya bilang artista since then, laking-gulat ni Kim nang sa kalagitnaan nito'y ipakita ang Koreanovela na My Girl na naipalabas na noon sa ABS-CBN. Si Kim ang napiling gumanap na bida sa Pinoy version ng hit Koreanovela.



THE CHOSEN ONE. Clueless si Kim at sa mismong presscon lang din niya nalaman ang tungkol dito. Bukod sa horror series na Maligno, ang My Girl pala ang nakalaan na bago niyang project sa Kapamilya network.



"Sobrang saya ko po!" ang bukod-tanging nasambit ni Kim pagkatapos ng ilang segundo na hindi siya makapagsalita nang formally ay i-announce sa presscon na talagang ginawang surprise sa young star ang bagong series na gagawin niya.



Nang makausap nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kim, wala raw siyang idea sa naturang project. Pero aniya, napanood na raw niya ito sa DVD.



"Wala! Wala talaga, as in wala akong idea at all. Pinagpe-pray ko lang talaga na sana magkaroon ako ng bagong project. ‘Tapos ayun, nagkatotoo nga siya! Naiyak nga ako, ang saya!" hindi maitago ang kaligayahan na pahayag ni Kim.



THANKS TO PBB. Para kay Kim, wala ang lahat ng tinatamasa niya ngayon kung hindi dahil sa PBB Teen Edition.



"Utang ko pong lahat sa PBB family ko, like si Direk Jilmer [Dy]," sabi ng dalaga. "Siya po ang nag-interview sa akin noong nag-o-audition pa lang po ako, kaya alam niya pong lahat. Masayang-masaya po akong talaga sa lahat ng na-achieve ko, kasi all wishes granted pong talaga.



"Sobrang laki rin po ng naitulong ko sa family ko. Ako na po ang nagsisilbing mother, father sa mga kapatid ko. Napag-aaral ko po sila at naibibigay ko po yung pleasure na gusto nila. Ako po kasi before, hindi ko po nagagawa yung like, ‘Mama, Papa, ibili mo ako ng ganito, ganyan.' Kasi alam ko po na hindi po nila maibibigay dahil kapos po kaming talaga.



"Pero ngayon po, sa mga kapatid ko, kapag may hinihingi sila, ibinibigay ko kasi lahat naman po ng ginagawa ko, para po talaga sa kanila. Masaya po ako. Hindi naman po siguro lahat ng teen, nakakatulong ng ganito kalaki sa pamilya nila. At lahat po ng yun, utang ko pong talaga sa PBB Teen Edition," lahad ni Kim.



Ayon pa kay Kim, hindi siya nate-threaten kung magkakaroon na ng bagong season ng PBB na magsisimula na sa March 23. In fact, masaya raw siya na may ganitong venue para sa mga teenagers na katulad niyang minsang nangarap at nabigyan ng katuparan through the show.



"Basta ako, gagalingan ko lang, like sa My Girl. Kung matuloy nga ‘yon, mas magiging masaya ako. At saka may Maligno pa ko. Masayang-masaya na ako sa lahat ng naabot ko ngayon, sobrang masaya po talaga.



"At saka, masaya po ako kasi may bagong PBB Teen Edition na naman. Ibig lang pong sabihin, may bago na naman pong magsa-shine. May mga bagong teen na naman na matutupad ang pangarap. At saka sa tingin ko po, nasa amin naman po kung paano kami mag-i-stay. Pero lahat po ng tao, may sariling chance sa buhay."



CLAUDINE FAN. After ng Love Spell, ang Maligno ang next project na pinagsasamahan nila ng ka-loveteam na si Gerald Anderson. Kaya hindi totoong after their Love Spell, biglang ipi-freeze ang loveteam nila. Aside from them, nasa Maligno rin sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.



Fan daw talaga si Kim ni Claudine kaya hindi niya itinagong during their taping, hindi pa rin niya maiwasang ma-starstruck na kasama na niya si Claudine sa isang show.



Aniya, "Si Ms. Claudine, ang bait! Nahihiya nga ako, e. At saka na-starstruck din ako kasi kapag nag-uusap kaming dalawa, nauutal din ako, walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam.... Like, tatanungin niya ako, ‘Kumusta ka na?' Wala, walang lumalabas sa akin. Sobrang nahihiya ako."



Naitanong din ng PEP kay Kim ang totoong estado sa kanilang dalawa ni Gerald dahil may mga bali-balitang hiwalay na sila.



"Hiwalay? Hindi pa nga po nagiging kami, maghihiwalay na kami?" natatawa niyang sagot.



"Break na ba kami? Hindi pa nga nagiging kami, break na kami?" tawa niya ulit. "Basta okay naman po kami. Good friends. Nagha-hang out kami minsan kasama yung mga barkada niya, mga PBB dati.



"Actually, hindi ko rin po alam kung saan nanggagaling yung isyu na break na kami. Nababasa ko nga rin po. Pero wala lang, nagbibiruan na lang po kami."



Sinabi ng PEP kay Kim na posibleng kaya may isyu ng breakup sa kanila dahil mas marami ang naniniwalang naging sila talaga at patuloy lang nila itong idine-deny.



"Ganun po? Hindi po, siguro po, kapag eighteen na ko," ang maikling tugon ni Kim.



KIM TURNS 18. On April 19, Kim is turning 18. Pero wala pa raw siyang plano kung may magaganap na debut party on her special day.



"Wala pa pong plano. Matagal pa naman, sa susunod na buwan pa naman yan."



Pero kung siya raw ang tatanungin, wala rin daw siyang kaibahan sa ibang teenager na pangarap ang magkaroon ng debut party talaga.



"Kaso nahihiya ako, e," natatawa niyang sabi. "Kasi wala akong masyadong friends, baka wala masyadong pumunta. Baka wala akong bisita. Siyempre po, lahat naman ng girls, dream nila yung talagang debung-debut. Pero ako, hindi ko pa alam... Nahihiya ako, e. Gusto ko, pero nahihiya ako."



Hindi naman itinanggi ni Kim na kung sakaling magkakaroon man daw siya ng party, definitely raw ay si Gerald ang escort niya.



"Opo, si Gerald. Wala naman po akong ibang ka-close, e," sambit niya.



Kahapon, March 7, nag-celebrate naman ng kanyang kaarawan si Gerald. Wakeboard daw ang birthday gift ni Kim sa ka-love team.


0 comments:

Post a Comment

 

Visits