Mamaya sa The Ricky Lo Exclusives ay deretsahang sinabi ni Gretchen Baretto na isa siyang mistress.
Nakalagay rin sa kanyang Unexpected album ang kanyang saloobin, at sinabi rin niyang isa siyang mistress. Sa prologue nito, sinabi niyang, “I am bratty, sensitive, touchy, pouty, moody, fearless, reckless, careless, full of rage, feisty, controlling, demanding, blunt, rough, outrageous, bitchy, daring, obsessive, tactless, vain, extravagant, flirty, a tease, extremely lustful, ridiculous, a mistress and a wondrous woman to myself of the times.”
Pero mas naintriga kami sa mga pinasalamatan niya na itinuturing niyang inspirasyon sa buhay.
Nanguna siyempre sina Tonyboy at Dominique at sinundan ng kapatid niyang si Marjorie Barretto.
Say ni Gretchen, “…Marjorie & her kept man which makes him my kept brother in law :)”
Kasama sa pinaslamatan niya sina Claudine at Raymart Santiago at mga malalapit niyang kaibigan gaya nina Kuya Boy Abunda, Bettina Aspillaga, ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, at Douglas Quijano.
Bakit kaya hindi kasama ang iba pa niyang kapatid at ang magulang niya?
0 comments:
Post a Comment